Can You Say No To The People You Love? | Book Notes

Para sa mga people-pleasers, ang pagsasabi ng “no” sa kahit kanino ay parang sobrang hirap na gawin.

Para din tayong nag try magtulak ng mabigat na bato paakyat ng bundok.

Pano pa kaya kung yung kailangan natin pagsabihan ng “no” ay yung mga mahal natin, mga taong pinapahalagahan natin, mga taong handa tayong gawin lahat para sa kanila?

Sa unang tingin, parang ang bait talaga nung walang limit tsaka puro oo nalang sa gusto ng iba, pero healthy at sustainable ba talaga yun?

Wala namang masama sa pag tulong sa ibang tao, pero kung palagi na lang tayong mag ssabi ng “yes” hindi dahil gusto natin pero dahil napipilitan lang tayo or natatakot tayo na mawala sila, parang nagpapanggap lang din tayo – at walang makakakilala sa tunay na sarili natin.

Kasi hindi tayo nagpapaka totoo.

Sa book ni Henry Cloud na “Boundaries,” makikita natin yung importance ng freedom at honesty sa kahit anong relationships – sa family, sa romantic relationship, kahit sa mga friends din natin.

Kapag may freedom tayo na hindi sumangayon (lalo na kung magccost sya sa well-being natin), mas maipapakita natin yung tunay na pagmamahal – ng wala yung constant fear na hindi nila tayo tatanggapin o baka iwanan nila tayo.

Makikilala nila yung totoong sarili natin, at hindi tayo mamahalin dahil lang sa mga bagay na kaya natin gawin para sa kanila.

Ang importante lang talaga dito ay meron tayong kalayaan na maging best at honest version ng sarili natin.

Sa pagbabasa ng “Boundaries” ni Henry Cloud, mare-realize natin na para sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa atin, ang “hindi” natin ay kasing halaga lang din ng ating “oo.”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *